Closing time - every new beginning comes from some other beginning’s end.
Closing time - every new beginning comes from some other beginning’s end.
View high resolution
Boo. Late upload na ko. :( But anyways, belated happy birthday Brother! Stay as moron as you are. Love you! Hihi.
HALA! Ilang araw nalang, pasukan na naman. Parang di ko naramdaman yung May. Nag-May ba?
Sa Monday nga pala, balik apartment life na naman ako. (Excited?)
Panigurado, sa first 2 weeks of classes, sasakit na naman yung mga paa ko. Pano ba naman, 4” na heels ang gagamitin kong sapatos. Pamatay! Pwedeng ipangtusok sa leeg ng sino mang magtatangkang holdapin ako o kung ano man. Gamit yung 4” na yun, lalakbayin ko ng ilang beses ang UST Field, Plaza Mayor, at pati narin ang Carpark. AGONY.
Sino nga naman kasing nagsabi na gumamit ako ng mataas na heels db? Boys, sorry, pero di nyo talaga maiintidihan ang mga babae when it comes to situations like this. Excuses, haha! Kasi naman e. We look good whenever we wear high heels, as in high. Pangdagdag confidence din yun. Kung kayong mga boys ay may wax/gel na pampadagdag pogi points, samin mga girls, heels ang pangtapat dyan sa mga malalagkit nyong kaartihan sa buhay.
Pero may masamang effect din ang pagheheels ng sobrang taas. Minsan, o madalas, natatanga ng kusa ang mga paa ko. Haha! Swear! Di ko alam kung bakit, pero bigla nalang akong natatapilok. Madalas ding naiiwan sa hagdan yung sapatos ko. (Tanungin nyo pa si Tine Noble.) Pero ang pinakamasakit at pinakanakakahiyang nangyari sakin na kasalanan ng heels ko (na partly eh fault din ng crater dun) eh yung napaluhod ako sa pathway sa may UST Field. Boomboxx men! Jam packed pa naman yung sidewalk nun kasi may on-going soccer game. Kamusta naman ako db. Napaluhod ako, buti nalang nakakapit ako agad dun sa friend ko. BUTE NALANG! :)
Ay nako, kahit 4 years na kong nagsusuot ng heels, di parin nawawala yung paminsan minsan na tapilok scenario, swerte na kung wala masyadong tao ang makakita. Haha! Pero kahit ganun pa man, masaya pa rin ako sa buhay 4” ko.
Sabi ko nga, “Wala ganda/saya kung walang hirap.”
Bahala na kayo kung pano nyo iiinterpret yung sinabi ko. Haha!
Mabuti pa sa lotto may pag-asang manalo. ‘Di tulad sayo, imposible.
The Swagger
The Out of focus shot

The Usisero

The Knee Biter and UFC Champion

So mean. :(
“Wala kang kwenta.”
“Bakit ba ang manhid mo? Nasasaktan na kaya ako!”
“Ang tanga ko nainlove ako sa isang katulad mo!”
“Lahat ng ‘to, nangyayari dahil sayo! Kasalanan mo lahat ‘to!”
“Pagod na pagod na ko. Sawa na ko.”
“Ayoko na.”
“Wag na tayo mag-usap.”
“Dapat sya nalang pinili ko, hindi ikaw.”
“Magsama kayo ng mga kaibigan mong malalandi! Mga wala kayong kwenta!”
“Sana hindi nalang kita minahal.”
***
Sounds familiar. Ito din ba yung mga ginamit mo na sentences nung nandun na kayo sa stage ng break up?
I can still remember yung cold evening na last kaming nakapag-usap. It was a worst night. How I wish panaginip lang yun. Pero, wala eh. The next thing I knew hinuhug ko sya at di nya ako hinuhug back.
Di ko alam kung papano ko pa sisimulan ang mga susunod kong sentences. Bahala na.
Like you, inlove na inlove din ako dati (hanggang ngayon pa din naman ata). Parang every moment of every second of every day, gusto ko katext ko sya. After class gusto ko pinupuntahan nya ko. Gusto ko ako lagi.
Tumagal kami. Who would have thought na makakaabot kami ng ilang taon. Nakailang break ups din kami, but I never thought na yung break up nung April 2010 ang tatapos ng lahat-lahat.
May 2010 — Akala ko magiging okay na ulit ang lahat. Akala ko babalik na ulit sa normal yung relationship namin. Akala ko lang pala yun. :(
June 2010 - Dec 2010 — Lumala lang lalo yung depression ko. Each day torture. Each day mas namimis ko sya. I filled with “Sana nandito sya.” :(
Jan 2011 - March 2011 — Medyo naging ok na kami. I slowly regained my strength, pati narin yung smile ko. Uso fake smile sakin dati, haha! Naging masaya ako nung birthday ko kasi dininig ni God yung only wish ko. “God. Sana. Maalala nya ko. Ulit. Yun lang, masaya na ko.” He did made it happen. Pinasaya at nabuo niya ang araw ko, kahit text lang kami nagkausap.
April 2011 - May 2011 — I’m staying strong. Hindi kami nagkakausap. Di ko sya tinitext, hindi din sya nagtetext. Although, nagkakatext kami nung April, pero sobrang madalang lang. So ngayon, wala kaming communication. I do want to text him; tanungin kung kamusta na sya, how was his day went, kung ok lang ba sya. Pero di ko maipon lahat ng lakas ko para magconstruct ng isang text message na para sa kanya. Natatakot ako na baka hindi sya magreply. Tsaka alam ko na busy sya sa school & friends. Kaya mas ok na hindi ko na sya istorbohin db? :)
Oh well. Nung nakita ko ‘tong blog subject na ‘to, di agad gumana yung isip ko sa kung anong mga dapat kong ilagay dito. After a month, naformulate ko din sa wakas ang mga gusto kong sabihin sa kanya.
- -
“Hello B. Kamusta ka na? I hope you’re okay. :) So… yung mga sentences sa unang part ng entry na ‘to, db nasabi ko yun sayo dati? Sorry ha. Don’t get me wrong. Hindi ko ‘to ginawa para pabalikin ka or kung ano. Gusto ko lang bumawi sa mga bagay na nasabi ko sayo noon. First of all, hindi dapat kita pinagsabihan ng ganun. Sorry. Akala ko kasi noon ako lang yung laging tama; na ako lang yung nasasaktan. DI ko naisip yung mga nararamdaman mo. Sorry. Gusto ko nga pala mag-thank you for being an awesome brother, sister, best friend and boyfriend. So far, ikaw yung best na tao na binigay sakin ni God. (Ayee cheesy!) Pero swear, ikaw nga. :) Thank you sa pag-alaga sakin lalo na yung months na sumasakit tyan ko sa sobrang pag-inom ng softdrinks. Thank you sa pagdalaw, sa pag-antay, sa pagdadala ng mga gamit ko, sa mga sisig at extra rice, sa mga di mabilang na sine, sa hindi nakakaumay na mga Karate Kid, sa mga Sbarro, sa mga flowers, sa mga gifts, sa hugs, sa kisses, sa sun, sa ring, at sa sobrang daming memories. :) I should have been a better girlfriend. Dapat mas naging pasensyosa ako. Dapat hindi kita pinilit na magbago. Dapat nakuntento na ko sa kung sino ka talaga, kung ano yung ugali mo, lalo na yung bad side mo. Dapat minahal kita kung sino ka talaga. Ganun naman dapat db? Dapat minamahal mo ang isang tao hindi para baguhin sya. Kundi para tanggapin kung sino sya. Alam mo masaya din ako ng naghiwalay tayo. You taught me a lot of things na hindi ko nahahanap sa kahit anong libro about love. Thank you. :) Kung nasan ka man ngayon, (malamang nasa Mendiola? haha) sana masaya ka. Kasi gusto ko lagi kang masaya. :) Pakabait ka ha and aral ka ng mabuti. :) Ingat sa pag-gygym, baka masprain ka na naman sa paa (HAHA!!).Good luck sa NMAT. Pagprapray ko na mataas ang makuha mo. AJA! ——
Miss na kita.
And one more thing! Don’t worry, I’ll always be your best friend. :)”
♡ M

View high resolution
Ay sya nga pala, memorable yung baso ng Zentea and yung stars.
Zentea
- Bigay ng bestfriend kong nanay nung stress na stress akong nagaaral ng prelim exams ko. (Pano ba naman ako hindi mastrestress eh, kinabukasan na agad pinapakuha sakin lahat ng namis kong exams. Ang saklap kaya. 5 yun. HAHAHA!) As in, dinalaw nya ko sa apartment at dinalhan ng isang inuming namis ko. Thanks Nay! I love you! Forever. :>
Stars
- Nung mga panahon na “gulong-gulo” ako, pag uwi ko lagi sa Ladies’ Dorm, ito ginagawa ko. Gusto ko kasi mapuno yung isang box dati eh. Pero di ata ako nagsucceed nun. Kalahati lang ang nagawa ko. Tapos binigay ko yun. Kay ano. :)
Boo. Di ko pa napupuno yung baso ng stars. :( Di bale, sa pasukan, promise pupunuin ko ‘to. Who knows, baka ibigay ko din ‘to after kong mapuno. :)
View high resolution
Di ko akalain. 4th year na ko sa pasukan. Ang bilis naman ng college days. Gusto kong bumalik sa 4th year high school. Yung tipong nakarepeat mode ang lahat ng mga nangyari. Tapos sana, may bonus na slow motion button pa. Haha!
I’m looking forward na makita yung new nameplates namin. Mukha kasing crap yung ngayon eh. Haha! Last year na. Last na. :)

Nako. I’m not a book lover. Hirap nga akong tumapos ng isang libro eh. Di ko alam kung bakit. Well, nabobored siguro ako agad kaya ganun. So anyways as the title for this blog entry says, this blabber will be about a book that I love. Yung natapos ko. Hahaha!
Let me present to you a humble book by a Filipino author named Ricky Lee, the book is entitled “Para kay B”.
At first, gustong gusto kong basahin ‘tong book na ‘to kasi daw it talks about Love and B yung initial nung bida dito. Eh B din yung love ko. Kaya ayun. lol
Pinahiram sakin ng bestfriend ko dati yung copy nya nito. Lagi lang yun nasa bedside ko. Di ko nabasa. Busy ata ako nung days na yun, ay, parang hindi, parang tinatamad lang akong basahin sya. Haha! The time came na hiniram na ng iba naming classmates yung book nya so ayun. Di ko na nabasa. That was 2 years ago ata? Tagal narin.
So one time, nung nakita ko ‘to sa Powerbooks, binili ko na agad. Pero 1 month na ata ang nakalipas, di ko parin binabasa yung book. Haha! Pero makalipas naman yung 1 month na yun eh napag-isipan ko ng basahin sya. Kaya ito. Tapos ko na sya basahin, SA WAKAS!
Ang masasabi ko lang ay isa itong libro na punong-puno ng pagmamahal. This book contains 5 different stories from 5 different characters. Bawat isa may kwentong gusto ibahagi sa kung sino man ang curious about love.
Hindi ko sasabihin sa inyo kung ano yung mga kwento nila. Bilhin at basahin nyo yung libro ni Ricky Lee.
Di ako magaling magreview ng isang obra na kagaya ng librong ito. Kanya kanya naman tayo ng interpretations eh. Kanya kanya din tayo ng reaction sa ending ng bawat kwento. So kayo na bahala kung sa papaanong angle nyo titignan yung limang kwento na yun.
Hindi panget yung ending, pinakita lang ng author ang realidad na madalas ay ayaw tanggapin ng mga nagmamahal.
Basta ako, masaya ako sa naging ending. Wagas yun e. :)
Ay by the way, P250.00 lang ang “Para kay B”.
Kung wala ka pang pambili, text mo ko, ipapahiram ko nalang sayo yung book ko. ♡
ALFEREZ FAMILY Ito na ata ang pinakamatinong family picture namin. Ilang years na naman bago masundan ulit ito. Happiness - overload. ♡ May wacky pa! ahaha! ♡

